
Welcome to my blog so ayun naisipan naming kumain sa wings + rib pag tapos manood ng Meet and Greet ng Silent Sanctuary sa Southwoods mall . Kaya namin naisipang magblog dito dahil ito ay unli wings + rib and unli ice tea ito ay nagkakahalaga ng 255 pesos. Pagpasok namin ay inasikaso kami agad ng crew tapos inaabot saamin ang kanilang Menu. Mayroong iba’t ibang flavor ang una naming inorder ay Garlic Permesan sobrang sarap at hindi nakakasawa, Sunod naman ay ang Sweet and Chili ma-anghang sya pero medyo matamis naman syempre sweet and chili , Sunod naman ay ang Honey Barbeque parang sa sweet and chili pero hindi ma-anghang at ang panghuli ay ang Gravy may pagkagravy at parang nilagyan lang ng sauce. Sobrang sulit po dito hindi masasayang ang 255 pesos nyo. Kumain kayo sa wings + rib dahil masarap ang kanilang unli chicken.